top of page
Writer's picturePaps Papa Gie

ULAT SA BAYAN 2022

Mensahe ni Hon. Mayor Rigil Kent "Noynoy" Lim


Matiwasay nating natapos ang ating Ulat sa Bayan, Our FIRST 100 DAYS, sa aking ikalawang termino sa pagka Mayor kasama ng mga bagong opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Caluya, Antique kahapon, October 18, 2022.


Matagumpay naming nailathala ang aming mga naisagawa sa loob ng isang daang araw ng panunungkulan sa ating Bayan. Narito ang ilan sa mga sumusunod:


• Naipatayo ang Radio Caluya FM Station sa Sitio Talaptap, Poblacion, Caluya, Antique.


• Naumpisahan ang pagpapatayo ng New Solar Powered Municipal Hall na target nating matapos sa taong 2024.


• Natapos nating ipatayo ang Tourism at Liga Building sa Sitio Talaptap, Poblacion, Caluya, Antique.


• Meron din tayong counterpart sa pagpapatayo ng Polyclinic Phase 2.


• Nagpatayo tayo ng kauna-unahang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Building.


• Naipasemento natin ang daan papasok sa Barangay Imba.


• Sa tulong ng SMPC at pagkakaisa sa DOE ay naipasemento natin ang kalsada sa Barangay Tinogboc at ongoing na rin ang pagsemento sa Barangay Alegria.


• Naibili natin ng mga bagong sasakyan ang iba’t ibang Departamento ng Munisipalidad ng Caluya.


• Nakapag issue tayo ng iba’t ibang Executive Orders para sa ikabubuti ng mga Caluyanhons.


• Naipasemento natin ang daan papasok sa Fish Landing ng Caluya.


• Maswerte nating naipanalo sa buong Western Visayas ang ating Munisipalidad sa Malinis at Masaganang Karagatan o MMK at naging top 5 sa national assessment ng MMK na ngayon ay hinihintay na lamang natin ang resulta ng national evaluation.


Nais ko ring sabihin sa mga minamahal kong Caluyanhons ang mga susunod pang mga proyekto na ating isasagawa para sa patuloy na pag-unlad ng Caluya:


• Magtatayo tayo ng Coco Oil Mill dito sa Caluya ng sa gayon ay makapagbigay tayo ng dagdag na kita sa ating mga coconut planters.


• Magtatayo rin tayo ng Seaweeds Laboratory para sa seaweeds processing upang mapalago natin ang produksyon ng seaweeds at maexplore natin ang iba’t ibang posibilidad para rito.


• Ipapagawa natin ang widening ng daan from Caluya National High School to Poblacion para maging ligtas ang ating mga mag-aaral at makaiwas sa posibleng aksidente.


• Tatapusin natin ang naputol na road concreting from Sitio Napay to Poblacion.


• Magpapatayo tayo ng new Sub Office at Health Center sa Barangay Bacong sa isla ng Sibay.


• Icoconvert natin ang kasalukuyang streetlights sa Isla ng Caluya into Solar Streetlights at sisikaping matapos ito bago matapos ang taon. Ibig sabihin po ay magiging maliwanag ang lahat ng mga daanan sa darating na Pasko at New Year


• Hihikayatin natin ang ating mga SB Members na isabatas na ang Public-Private Partnership o PPP Ordinance of Electrification sa Caluya, Sibay at Semirara at PPP naman sa water systems sa Isla ng Caluya at Barangay ng Tinogboc.


• Gagawan natin ng paraan na mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lahat ng mga isla at gawin 24/7 ang kuryente sa isla ng SIbay


Ang aking mga nasabi ay iilan lamang sa mga prayoridad ko sa mga susunod na mga araw at buwan. Marami pang mga nakaantabay na mga plano at proyekto na ating pagtuunan ng pansin at iimplementa para sa ikabubuti ng mga Caluyanhons.


Nais ko ring i-congratulate ang Opisina ng ating Vice Mayor na si Honorable Belfe S. Duran at ang lahat ng mga SB Members na sa mumunting panahon pa lamang ay may 120 approved Resolutions, 2 approved Ordinances, 14 Regular Sessions conducted, 3 special sessions conducted at 14 committee meetings conducted. Napakahalaga ang role ng bawat committee na mayroon ang kada isang opisyal ang Opisina ng Sangguniang Bayan at nais ko itong pasalamatan.


I dedicate to you, our dear Caluyanhons, my 1st 100 Days of Public Service with all pride and honor sapagkat ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat.


Maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwala.

2 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Nov 21, 2022

yan ang mayor namin, congratulations!!!

Like

Guest
Nov 21, 2022

Good job mayor! Mabuhay po kayo!

Like
bottom of page